Daplis ng hangin sa aking mukha
Daplis ng tubig sa sakay kong bangka
Lawak ng luntiang dagat tila walang hangganan
Ito’y nagsasabi na mayroon tayong patutunguhan
Sa bangka’t upuan aking sinasandalan
Tanaw ko ang ibang taong ang tingin may malalim na pinanghuhugutan
Ang iba’y may tuwa’t sa bibig dala pati ngiti
Iba nama’y lungkot sa mata ang namumutawi
Hangganan ng katubigay hindi man abot tanaw
Pangarap na pilit inaabot ang nasa isip ay natatanglaw
Simoy ng hangin kay sarap langhapin
Gaya ng dapit hapong sadyang kasarap ibigin.
As I travel to Talikod Island going to Isla Reta where I will be meeting my friends, I was driven to write this poem while watching the sea, the sun as it strikes to my eye, and the people around and the way they smile and express their intimacy.
March 26, 2013 5:20 pm
God has been very great as a Creator. He ia irreplaceable and nothing else more.